Lingayen Pangasinan – Binigyang diin ngayon ng School Division Office 1 Pangasinan na walang dapat bayaran ang mga magulang at estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan. Alinsunod ito sa DepEd Order 41 series of 2012 na nagbabawal ng pagkoleta ng compulsory contributions sa mga magulang at estudyante sa elementarya at sekondarya.
Nanawagan at nagpaalala naman ang SDO 1 Pangasinan sa lahat ng mga punong guro at magulang na kanilang nasasakupan na i-konsidera ang sitwasyon ng bawat enrollees, walang pipiliin at tanggapin sila. Mariin din ang pagbabawal nitong maningil ang lahat ng mga pamunuan ng eskwelahan sa tinatawag na compulsory contributions.
Maaaring mag-reklamo ang mga magulang at estudyante sa pamunuan ng DepEd Pangasinan sakaling maka-encounter ng insidente ng pagtangging tanggapin sila dahil sa paniningil ng bayarin.