Manila, Philippines – No comment ang tinaguriang “Asia’s Romantic Balladeer” sa mga kumakalat na balitang lilipat ng network si Regine Velasquez.
Say ni Christian, kahit pa everyday niya nakakasama ang Asia’s Songbird hindi niya ito tinatanong sa nasabing isyu dahil personal na desisyon ni Regine kung lilipat ba ito o hindi.
Dagdag pa ni Christian, alam daw niya ang pakiramdam ngayon ni Regine dahil tulad niya dati din siyang nanggaling at nagtagal din siya sa ibang network kung saan nakaka-pressure talaga kapag lipat-bakod na ang pinag-uusapan.
Saka na lamang daw magco-comment si Christian kapag nakapag-desisyon na si Regine pero sa ngayon, tutok muna daw sila sa trabaho.
Nabatid na marami ang nagsasabi na nag-last taping na ang weekly morning talk show ni Regine at tatapusin na lamang daw nito ang pagho-host sa singing competition na napapanood tuwing Sabado at Linggo.