NO COMMENT | Isyu sa hiwalayang Cristine Reyes at mister nito, inaalam pa ng kapatid ng aktres na si Ara Mina

Manila, Philippines – Hindi pa daw nakakausap ng aktres na si Ara Mina ang kapatid at kapwa aktres na si Cristine Reyes hinggil sa usap-usapan na hiwalay na ito sa kaniyang asawa.

Ayon kay Ara o Hazel Reyes sa tunay na buhay, abala daw si Cristine sa mga showbiz commitments nito ngunit tila wala naman siyang pinagdadaanan.

Say pa ni Ara, normal lang sa mga mag-asawa ang may hindi pagkakaintindihan pero sana naman daw ay huwag na itong bigyan pa ng ibang kahulugan.


Matatandaan na naging kontroberysal ang post ni Cristine noong January hinggil sa panalangin para sa pagsasama nila ng Filipino-Iranian mixed martial arts fighter na si Ali Khatibi.

Sa ngayon ay kapwa no comment pa sina Cristine at Ali hinggil sa isyu, bagamat noong nakaraang buwan ay itinanggi ng aktres na “on the rocks” ang married life nito.

Facebook Comments