NO COMMENT | Jake Zyrus, tikom ang bibig sa isyu niya sa kanyang pamilya

Manila, Philippines – Dedma pa rin ang singer na si Jake Zyrus tungkol sa panawagan ng kanyang inang si Raquel Pempengco na sana ay magpakita man lamang siya sa ospital kung saan naka-confine ang kanyang lola na si Tess Relucio.

Say ni Jake, isang sensetibong bagay ang usapin ng pamilya kaya ayaw niyang magkomento rito.

Pero, sinabi ni Jake na unfair para sa kanya laging siya ang takbuhan pagdating sa usaping pinansyal lalo na at apo lang siya at may mga anak naman si lolo Tess.


Una nang nanawagan ng pinansiyal na tulong ang pamilya ni lola Tess, na kasalukuyang naka-confine sa Sta. Rosa Hospital and Medical Center.

Facebook Comments