NO COMMENT | James Yap, iginiit na walang masama sa ginawa nitong birthday greeting sa anak na si Bimby

Manila, Philippines – No comment si PBA Star James Yap sa mga naging pahayag ng dati niyang asawa na si Kris Aquino hinggil sa pag-feature sa kaniya at sa kasalukuyang pamilya ng TV Host na si Korina Sanchez.

Ayon kay James, ayaw na niyang palakihin pa ang isyu at focus muna daw siya ngayon sa nalalapit na laban ng kaniyang team na Rain Or Shine sa PBA Commissioners Cup.

Pero, nanindigan si James na walang mali sa ginawa niyang pagbati sa anak nila ni Kris na si Bimby noong 11th Birthday nito.


Paliwanag ni James, karapatan niya bilang ama na magbigay ng birthday greeting kay Bimby kahit pa hiwalay na sila ni Kris.

Nami-miss lamang daw niya ang anak at lagi niya itong nasa isip kahit hindi na nakakasama.

Matatandaan na inalmahan ng tinaguriang Queen Of All Media ang pagbati ni James kay Bimby dahil wala raw itong malasakit sa kanilang anak partikular ang pagbibigay man lang ng sustento.

Facebook Comments