NO COMMENT | Palasyo, ayaw magkomento sa panukalang pagklasipika sa freedom of speech sa gagawing bagong saligang batas

Manila, Philippines – No Comment ang Palasyo ng Malacañang sa panukala sa kongreso sa gagawing saligang batas ay poprotektahan lamang nito ang responsableng pag-gamit sa freedom of speech.
Ito ang lumalabas ngayon sa harap narin ng kaliwa’t kanang banat sa Adminsitrasyon sa nakaambang pagbabago ng saligang batas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi pa sila makapagkokomento sa usapin dahil proposal pa lamang ito at walang pang pinal na desisyon o hakbang.
Aabangan lang aniya nila ang final proposal ng kongreso na siya namang ilalatag sa sambayanang Pilipino.
Tiniyak naman ni Roque na iginagalang ni Pangulong Rodrigo Dutert ang bill of rights na nakapaloob sa saligang batas at walang problema ang pangulo dito.
Matatandaan din na sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na handa si Pangulong Duterte na labanan ang pagpapalit ng saligang batas kung makikita nito na hindi ito papabor sa sambayanang Pilipino.

Facebook Comments