SAWI | Isang call center agent, natagpuang patay sa Tanay, Rizal

Tanay – Patay na nang matagpuan ang isang lalaking call center agent sa Tanay, Rizal.
Unang iniulat na nawawala ang biktimang si Marvin Jacia matapos mabiktima ng mga hindi pa kilalang salarin na tumangay din ng kanyang mamahaling sasakyan.
Puno ng pasa, mga saksak sa leeg at binuhusan pa ng asido ang mukha ng biktima na head ng Anz Global Services sa Makati City.
Nadiskubre ang bangkay ng biktima sa Marcos Highway, Sitio Tarangkahan, Brgy. Cuyambay ng isang Mac-Mac Pausal.
Blangko pa ang mga otoridad kung sino ang mga suspek sa krimen kung saan hinala nila na posibleng carjacking ang motibo ng pagpatay dahil hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang sasakyan ng biktima.

Facebook Comments