NO COMMENT | Secretary Harry Roque, hindi muna magsasalita kaugnay sa pagtanggal sa kanya ng Pangulo bilang Presidential Spokesman

Manila, Philippines – Tumanggi ngayong magsalita si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa mga lumabas na balita na siya ay pinalitan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanyang tagapagsalita at ipinalit si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo bilang concurrent position.

Ayon kay Roque, hindi muna siya magsasalita o magkokomento sa nasabing usapin dahil nasa China siya at naka official leave.

Sinabi ni Roque na sa darating na lunes nalang siya magsasalita sa usapin.


Matatandaan na sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maguusap pa sa darating na lunes sina Roque at Panelo pero hindi naman niya alam kung ano ang mga paguusapan ng dalawa.

Hanggang ngayon naman ay hindi parin malinaw kung tatakbo ba sa pagkasenador si Roque dahil wala pa itong pormal na anunsiyo sa kabila ng naging pahayag ni Senador Koko Pimentel na kasama si Roque sa PDP laban Senatorial Slate.

Facebook Comments