WALANG BAGO | Pagiging Presidential Spokesman, hindi na bago para kay Secretary Salvador Panelo

Manila, Philippines – Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at ngayon ay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na hindi na bago sa kanyang trabaho ang magsalita para sa Pangulo.

Ito ang sinabi ni Panelo sa harap narin ng pagtatalga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidential Spokesman kasabay ng kanyang trabaho bilang legal counsel ni Pangulong Duterte.

Sa isang interview kay Panelo sa Indonesia ay sinabi nito na kahit noon pa mang panahon ng kampanya ng 2016 elections ay siya na ang tagapagsalita ng Pangulo at nang pumasok ang Duterte administration ay siya ang unang tumayong tagapagsalita ni Pangulong Duterte.


Sa katunayan aniya ay base sa Executive Order na bumubuo sa kanyang tanggapan ngayon na office of the presidential legal counsel ay makikita doon na siya ang Presidential Spokesman.
Kaya naman sinabi ni Panelo na wala nang bago sa kanya bilang tagapagsalita ng Pangulo at ang magiging pagkakaiba lamang ay mas magiging visible o mas makikita na siya ng publiko.

Facebook Comments