No Contact Apprehension Program, Posibleng Ipatupad sa August 2022

Cauayan City, Isabela- Pinaghahandaan na ng Public Order and Safety Division o POSD ang muling pagpapatupad sa No Contact Apprehension Program (NCAP) sa Cauayan City.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Mallillin, hepe ng POSD, nagbigay na umano ng “preparatory words” si City Mayor Ceasar “JC” Dy Jr. kung saan anumang araw ay magiging operational ang nasabing programa sa mga lansangan.

Dagdag ni Mallillin, magkakaroon lang ng kaunting revision o pagbabago na nakapaloob sa city ordinance kaugnay sa muling pagpapatupad nito.

Inatasan umano ng alkalde na magkaroon ng pagbabago sa nakapaloob sa NCAP upang maiwasan ang anumang complaints o reklamo sakaling tuluyan ng maipatupad ito.

Giit ni Mallillin, maiging pag-aaralan ang mga pamantayan na nakapaloob sa NCAP kung saan magkakaroon muna ng Public hearing at pag-apruba sa programa ng mga miyembro ng konseho.

Posible aniyang sa Agosto 2022 ay isandaang porsyento ng maipatutupad ang No Contact Apprehension Program (NCAP) sa Cauayan City.

Facebook Comments