DICT, nangakong tutuparin ang kautusan ni PBBM sa kaniyang unang SONA na tututukan ang pagbibigay ng connectivity sa mga liblib na lugar sa bansa

49

Tiniyak ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na tatalima ang ahensya sa hamon Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanila.

Ayon kay Uy, kabilang sa kanilang prayoridad na proyekto ay ang pagbibigay ng connectivity sa mga na nakatira sa mga liblib na lugar.

Handa aniyang makipagtulungan ang DICT sa mga mambabatas para sa pagsusulong ng digitalization sa pamahalaan.


Makikipag-ugnayan din ito sa mga ahensya ng pamahalaan upang mapaigiting ang cybersecurity sa bansa.

Facebook Comments