“No COVID-19 vaccination, No work” policy, labag sa batas

Iginiit ni Senator Francis Tolentino na lalabag sa COVID-19 Vaccination Program Act ang mga kompanya o employer na magpapatupad ng “No COVID-19 vaccine, No work policy.”

Paliwanag ni Tolentino, nakapaloob sa batas na hindi dapat isama ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 o ang vaccination card sa mandatory requirements sa trabaho, sa eskwelahan at sa mga transaksyon sa gobyerno.

Diin ni Tolentino, ipinaloob nila sa batas ang nabanggit na probisyon para hindi ma-discriminate ang mga estudyante, manggagawa at pati Overseas Filipino Workers na hindi magpapaturok ng COVID- 19 vaccine.


Sabi pa ni Tolentino, hindi rin sapilitan ang pagpapabakuna para makaiwas sa virus.

Tugon ito ni Tolentino sa pahayag ng ilang labor groups na may mga kompanya na ang nagpahiwatig na hindi papasukin o ililipat sa ibang assignment o pagbabakasyunin ang kanilang empleyado na tatangging magpabakuna laban sa COVID- 19.

Facebook Comments