Kamara, inumpisahan na ang profiling sa mga kawani para sa COVID-19 vaccine roll out

30

Sinimulan na ng binuong technical committee sa Kamara ang profiling ng mga empleyado at entitled dependents para sa COVID-19 vaccine roll out.

Nag-umpisa na ang House Committee on Health na alamin ang profile ng mga babakunahan upang malaman kung anong partikular na brand ng bakuna ang maaaring iturok depende sa edad at health condition.


Inihahanda na ng health services ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang logistical requirements para sa pagpapabakuna.

Sa ngayon ay wala pang tiyak na petsa kung kailan masisimulan ang vaccine roll out sa Kamara dahil hinihintay pa ang suplay ng bakuna mula AstraZeneca.

Maliban dito ay kailangang mauna muna sa vaccination program ang priority list ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pasok sa vaccination program ang mga empleyado ng Kamara, permanent man o contractual, Congressional Staff, mga empleyado ng Commission on Audit (COA), Civil Service Commission (CSC), Department of Budget and Management (DBM), Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), Landbank of the Philippines, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), HRep. Cooperative, Mutual Aid Association (MAA) at media na nakatalaga sa Kamara.



Facebook Comments