‘NO DINE-IN’ SA MGA KAINAN SA CALASIAO, TINAWAG NA FAKE NEWS

CALASIAO, PANGASINAN – Hindi totoo at tinawag na fake news ng lokal na pamahalaan ng Calasiao ang balitang di umano’y mga lumalabas ngayon sa mga social media hinggil sa pagbabawal sa pag-dine in sa mga kainan, fast food chains o mga restaurant.

Iginiit ng pamahalaang lokal ng bayan na wala umano silang kinalaman at ang tanggapan naman ng alkalde hinggil sa pagbabawal sa mga dine in.

Ang inilabas lamang umano ng lokal na pamahalaan ay ang pagbabawal sa pag iinom ng nakalalasing na inumin sa mga pampublikong lugar na pwedeng magtinda at bumili ngunit dapat ito ay inumin sa loob lamang ng mga tahanan.


Maging ang karaoke o videoke ban ay nakapatupad din bilang nakitaan ng pagtaas ng tinatamaan ng COVID-19 sa bayan.

Samantala, ipinaalala ngayon ng lokal na pamahalaan na ang pagpapakalat ng fake news ay maaaring makapaglikha ng panic sa ibang kababayan.

Facebook Comments