“No disconnection period” ng Meralco, hiniling na palawigin pa ng 6 na buwan

Umapela si Deputy Minority Leader at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa Meralco na palawigin pa ang “no disconnection period.”

Hirit ni Zarate sa Meralco, i-extend pa ang “no disconnection period” hanggang anim na buwan pa.

Hiniling ng kongresista na ikonsidera muna ng Meralco na kagagaling lang ng mga consumers sa “hard lockdown” at hindi pa natatapos ang mahigpit na restrictions na ipinatutupad kahit bahagyang niluwagan na sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).


Katunayan, ang extension ng “no disconnection period” ay hindi naman mangangahulugan o magreresulta sa bankruptcy o pagkalugi ng Meralco.

“The six-month extension of the “no disconnection” period would be enough time for electricity consumers to be in a better position to pay their bills considering that many lost their jobs and are finding it hard to just put a meal on the table,” pahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Tinukoy pa ng kongresista na kahit lockdown noong nakaraang taon ay nagawa pa rin ng Meralco na kumita ng ₱21.71 billion kaya hindi ito malulugi sa pagpapalawig ng “no disconnection period.”

Facebook Comments