‘No fail policy’, unfair – DepEd

Iginiit ng Department of Education (DepEd) na hindi patas kung magpapatupad sila ng “no fail policy”.

Kasunod ito ng rekomendasyong ipasa ang lahat ng mga estudyante ngayong school year dahil sa impact ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, maraming mag-aaral ang ginagawa ang lahat ng makakaya nila para makapasa sa kabila ng mga pagsubok habang may ilan na hindi sineseryoso ang kanilang pag-aaral.


Aniya, hindi tuturuan ng nasabing polisiya ang mga bata na maging responsable.

Dagdag pa niya, mas magkakaroon ng motibasyon sa pag-aaral ang mga estudyante oras na makita nila ang kanilang mga grado.

Matatandaang dahil sa banta ng COVID-19, nagpatupad ang DepEd ng blended learning kung saan hindi kinakailangang pumasok sa eskwelahan ang mga bata para maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Facebook Comments