Dalawang panukalang batas ang inihain sa Kamara na nagsusulong na ipagbawal ang pagbibigay ng assignment sa mga estudyante mula kindergarten hanggang high school.
Sa House Bill 3611, layon ni Deputy Speaker at Sorsogon Representative Evelina Escudero na bawasan ang bigat ng binubuhat ng mga estudyante sa araw-araw, sa pamamagitan ng paglilimita ng mga aktibidad sa paaralan.
Inimumungkahi rin ng panukala ang pag-iiwan ng mga estudyante sa kindergarten hanggang Grade 6 ng kanilang mga libro sa eskwelahan.
“Schoolchildren carry heavy bags as they feel compelled to bring home all their books and activity kits because of the daily homework given by their respective subject teachers. The giving of homework assignments to conclude a lesson is a hallmark of Philippine pedagogy which also needs to be seriously assessed,” paliwanag ng mambabatas.
Samantala, sa House Bill 3883 naman na inihain ni Quezon City Representative Alfred Vargas, nais ipagbawal ang pagbibigay ng takdang-aralin tuwing weekend.
Layon nito na mabigyan ng kalidad na oras ang mga estudyante kasama ang kanilang pamilya kapag weekend.
Binanggit ni Vargas ang isang pag-aaral sa South Africa noong nakaraang taon na nagsasabing nagiging sagabal ang mga assignment sa oras ng pamilya.
“The bill aims to promote and protect the physical, moral, spiritual, intellectual and social well-being of the youth to the end that the youth realize their potential for improving the quality of life must always be observed. The bill also seeks to enjoy their free time from the precisions of school during weekends and to be able to have a quality time with their family and friends,” saad sa panukala.
Pagmumultahin ng P50,000 ang mga gurong lalabag sakaling maisabatas ang naturang panukala.