“No Jacket Policy” nais ipatupad ng Task Force Davao

Image via Justin Vawter

Isinusulong ng Task Force Davao ang polisiyang hindi puwedeng pumasok sa lungsod ng Davao ang mga motorista at pasaherong nakasuot ng jacket kung hindi nila ito tatanggalin pagdating sa checkpoint.

Nais ipatupad ng TF Davao ang “No Jacket Policy” matapos maganap ang pagbobomba sa kampo militar sa Indanan, Sulu noong nakaraang linggo.

Sa ilalim ng protocol, kailangan hubarin ng biyahero ang kanilang jacket at dumaan sa walkthrough scanner para malaman agad kung may dalang pampasabog o wala.


Pahayag ni TFD Commander Col. Consolito Yecla, magtatalaga din ng sundalo 20 to 30 meters away mula sa inspection areas. Meron din silang checkpoint sa lahat ng entry at exit point ng siyudad.

Ani Yecla, “In addition to the mandatory body search or non-wearing of jackets when you’re approaching the inspection areas, we will be deploying advance guards to  check those who are with jackets or with heavy backpacks.”

Layon nilang paiigtingin ang seguridad at kaligtasan ng mga residente at bakasyunista sa Davao City.

Hiling ng TF Davao, agaran implementasyon ng lokal na pamahalaan sa polisiya.

Facebook Comments