No More Kaning Lamig: Reinvent your rice to the next level

268

Kapag sobra ang sinaing ng gabi, nababahaw ang kanin hanggang umaga. Kayang kaya pasarapin ang bahaw na kanin at i next level ang simpleng sinangag.

Ito ang mga ilang pamamaraan para ang kaning nabahaw ng gabi maging kaning amazing sa almusal:


Spam and Veggie Fried Rice

IMAGE: STEAMY KITCHEN

Ang spam and veggie fried rice ay consist ng spam at mga gulay na pinagsama-sama. Tiyak kahihiligan din to ng mga kids dahil sa meaty nitong lasa at healthy pa dahil sa mga gulay din nitong taglay. 10 minutes lang i-prepare ang Spam and Veggie Fried Rice.

 

Yang Chow Fried Rice

IMAGE: YUMMY.PH

Klasik dahil sa sarap nitong panlasa. Madali lang i-prepare ang Yang Chow Fried Rice at di tatagal ng 20 minutes. Kailangan mo lang ay ang kaning lamig, green peas, tinapa, itlog at iba’t ibang pampalasa. Nasa sa iyo na rin iyan kung gusto mong dagdagan pa ng ibang sahog para mas masarap ang fried rice. Tiyak happy ang morning ng mga chikiting pag natikman nila ang level up rice niyo.

 

Spanish-Style Chicken Rice




IMAGE: MRS PORTLY’S KITCHEN

Ang spanish inspired na cuising na ito ay madali lang din lutuin. Ang mga rekados ay chicken breast, bell pepper, peas, lemon slices at iba’t ibang panlasa. Paghahaluin lang ang mga nasabing rekados hanggang sa magkulay dilaw ang kanin, hanguin at i-serve sa pamilya. Busog na, feeling spanish pa dahil sa sarap nitong lasa.

 

Marami pang ways o pwedeng gawin sa kaning lamig, konting tyaga lang sa pag hahanap ng recipe at pagimbento ng mga pwedeng ihalo sa kanin. Tiyak magiging kanin-amazing ang ihahanda natin sa pamilya.

Facebook Comments