‘NO MOVEMENT SUNDAY’ SA ASINGAN, POSIBLENG MA-EXTEND SAKALING TUMAAS PA ANG KASO NG COVID-19

ASINGAN, PANGASINAN – Pinag-aaralan ngayon ang posibleng ekstensyon ng pagpapatupad ng No Movement Sunday sa bayan ng Asingan.

Ito ay sakaling magpatuloy pa ang pagdami ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lokalidad hanggang ngayong araw, Biyernes.

Ayon kasi sa LGU, sa nakaraang No Movement Day ay may mga pasaway pa ring nagpupumilit lumabas at hindi nagsusuot ng face mask sa mga barangay.


May mga nahuli rin at tiniketan ng pulisya mula sa mga ito habang hinarang naman sa mga checkpoint ang mga sasakyan na hindi essential ang lakad.

Pagbibigay-diin pa ng pamahalaang lokal na kung hindi susunod ang mga residente sa mga barangay, ay mapipilitan ang alkalde na magdeklara o posible ang pagpapatupad ng ‘total no movement day’ sa mga barangay sa bayan.

Facebook Comments