CALASIAO, PANGASINAN – Pinaiigting ng pulisya ang pagbabantay sa mga Commission on Elections (COMELEC) checkpoints sa bayan ng Calasiao upang maiwasan ang krimenalidad sa naturang bayan lalo na ngayong panahon ng eleksyon at upang maipatupad ang COMELEC Gun Ban.
Kasabay ay 24 oras na nagbabantay ang kapulisan sa mga checkpoints kung saan hinahanapan ang bawat motorista ng ilang dokumento bago makapasok sa bayan tulad ng driver’s license at vaccination card na isa sa mga kinakailangan bago makalabas ng tahanan kaugnay parin sa kinakaharap na pandemya.
Samantala, ipinapatupad din sa mga checkpoints ang ‘no plate number, no entry’ sa bayan.
Ipinaalala naman ng kapulisan sa publiko na daraan sa bayan na kung maaari ay dalhin ang mga kinakailangang dokumento at iwasan ang pagdadala ng anumang armas maging o anumang deadline weapons upang maiwasan ang aberya at maiwasan na mahuli at maharap sa kaukulang kaso. | ifmnews