‘NO QR CODE, NO ENTRY POLICY’, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD NG CAUAYAN NGAYONG LINGGO

Cauayan City, Isabela- Sisimulan na anumang araw ngayong Linggo ang pagpapatupad sa ‘No QR Code, No Entry Policy’ para sa lahat ng papasok at lalabas sa Lungsod ng Cauayan, residente man o hindi.

Ang QR Code ay kailangan rin na ipakita ng APOR (Authorized Person Outside Residence) o UPOR (Unauthorized Person Outside Residence) sa mga entry checkpoints sa Lungsod ng Cauayan.

Inatasan na ng Cauayan City COVID-19 Council ang pulisya na paigtingin ang checkpoint sa tatlong main entry point sa Lungsod gaya ng Barangay Alinam (boundary Alicia) San Fermin (Cabatuan road) at Tagaran (boundary Reina Mercedes).


Nakatakda rin na makipag ugnayan ang City Council sa mga pribadong establisyimento para ipatupad ito sa kanilang negosyo.

Ito ay ginawang hakbang ng Lungsod upang paigtingin ang border control measures ng lokal na pamahalaan at mamonitor ng mabuti ang paglabas-pasok ng mga tao bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa buong Probinsya ng Isabela, na makakatulong sa pagsasagawa ng contact-tracing.

Para sa mga magtutungo o papasok sa Lungsod ng Cauayan, para makakuha ng QR Code, kinakailangan lamang na mag-download ng app na (staysafe.ph) at magregister dito.

Ito ang magsisilbing Entry at Exit Pass ng isang indibidwal tuwing pupunta at lalabas sa lungsod, na ii-scan sa mga nakatalagang scanner sa bawat checkpoint (Alinam, San Fermin, Tagaran).

Ang mga dadaan lamang sa Lungsod o ang mga pass through at mga emergency cases ay exempted o hindi na kailangang magpakita ng QR Code.

Pinaalalahan ang bawat isa na iwasang ipost sa social media ang QR Code dahil ito ay confidential.

Facebook Comments