No ransom policy, ipatutupad ng Malacañang sa kabila ng banta ng ASG

Manila, Philippines – Hindi bibigay ang Palasyo ng Malacañang sa banta ng teroristang grupong Abu Sayyaf na pupugutan nila ng ulo ang tatlong bihag nilang dayuhan.

Naglabas kasi ng babala ang ASG kung saan nagbabala ang mga ito na pupugutan nila ng ulo ang kanilang mga bihag kung hindi magbibigay ng ransom money ang Pamahalaan sa kanila.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mananatili ang no ransom policy ng Pamahalaan.


Sinisikap parin naman aniya ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police na mailigtas ang mga bihag na kinabibilangan ng isang Malaysian at dalawang Indonesian Nationals.

Facebook Comments