Ito ang binigyang diin ni G. Mel Mari Laciste, ang Technical Analyst at Provincial Information Officer ng DTI sa ginanap na Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran Cagayan Valley (UP-UP CagVal).
Paliwanag ni Laciste, ang lahat ng merchants o store na nagpapatupad nito ay maaaring managot sa ilalim ng batas.
Ayon sa kanya, may karapatan ang mga consumer sa ilalim ng 3Rs (Replace, Repair, Refund,) kaya’t hinimok nito ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila kung may ganitong ipinatutupad ang mga establisyimento.
May ilang sitwasyon naman na dapat isaalang-alang ng mga consumer gaya ng hindi maaaring palitan ang isang item base lamang sa nagbagong kaisipan sa kagustuhang ibahin ang kulay ng nabiling item gaya ng damit.
Ipinunto pa ni Laciste, maaari lamang magpapalit ng biniling item kapag pinapayagan ng merchants ang pagpapatupad ng 7days replacement, may defect o sira ang nabiling items habang mahigpit namang ipinagbabawal ang papalitan ang nabiling secondhand item.
Halimbawa dito ang nabiling secondhand na sasakyan at ready to wear clothes (RTW).
Hinimok naman nito ang publiko na makipagtulungan sa kanilang ahensya para maaksyunan kaagad ang mga sumbong hinggil sa ganitong sitwasyon.