No Sail Zone, ipatutupad sa Manila Bay simula November 5 para sa paghahanda sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Ipatutupad ang ‘No Sail Zone’ sa Manila Bay simula November 5, araw ng Linggo bilang paghahanda na sa gagaping ASEAN Summit 2017 sa bansa.

Ayon kay DILG Officer-In-Charge Catalino Cuy, ipagbabawal ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat mula November 5 hanggang November 16 partikular sa malapit sa h20 hotel, Manila, hanggang sa Okada Hotel sa New Seaside Drive, Paranaque City.

Dagdag pa ni Cuy, magpapatupad din ng “maximum maritime security’ sa baybaying dagat para matiyak ang seguridad ng mga delegado sa ASEAN Summit.


Facebook Comments