Grab Philippines, nirerepaso na ang panuntunan sa pagbu-book ng kanilang pasahero kasunod ng pagpatay sa kanilang ‘good Samaritan’ driver

Manila, Philippines – Nirerepaso na ng Grab Philippines ang kanilang mga panuntunan para sa pagbu-book ng kanilang mga pasahero.

Sa interview ng RMN kay Grab Philippines Spokesman Leo Gonzales, sinabi nito na matapos ang nangyari sa kanilang driver partner na si Gerardo “Junjie” Maquidato ay hihigpitan na nila ang requirements para sa mga pasahero.

Aminado rin si Gonzales na naging maluwag sila pagdating sa mga pasahero na humantong nga sa pagpatay sa kanilang “good samaritan” driver.


Isa aniya sa nakikita nilang solusyon ay ang pagbabayad gamit ang credit cards.

Katwiran ni Gonzales, dumaan na kasi sa bangko ang basic information ng pasahero kaya’t siguradong legal na ito.

Facebook Comments