Mas pinalakas pa ng Cotabato City LGU kampanya laban sa paninigarilyo , kanina ang pagkakabit ng mga NO SMOKING stickers sa iba’t ibang mga public utility jeepney sa lungsod.
Pinangunahan ng Anti Smoking Task Force at ng City Public Safety Office ang pagkakabit ng mga stickers upang ipalaganap sa lahat ng mga commuter ang mahigpit na pagbabawal ng paninigarilyo sa lahat ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
Patuloy pa rin ang panghuhuli ng task force ng sinumang makikitang naninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungosd. Ang kung sino man na mahuhuli at papatawan ng multa na nagkakahalaga ng 500 pesos o kung di naman ay kailangan nitong maghandog ng community service alinsunod sa mga alituntunin ng ipinapatupad na ordinansa.
Ipinapakiusap ko din po sa lahat ng mga kapwa ko Cotabateño na kung maaari ay sundin lamang ang nasabing kampanya. Ang pagpapatupad ng zero smoking sa lungaod ay hindi naman po para kanino kung hindi para sa ating lahat ayon pa kay Mayor Cynthia Guiani. Nais lamang po ng inyong local government na manatiling ligtas mula sa second hand smoke ang ating mga kababayan na hindi naninigarilyo dagdag ng alkalde. ( City Information Office)