Manila, Philippines – May mga ipinakalat na si Quezon City Mayor Herbert
Bautista na mga tauhan na patago na manghuhuli ng mga naninigarilyo sa City
Hall compound at propredad na pag-aari ng lokal na pamahalaan.
Partikular na mahahagip nito ay mga kawani at opisyal ng city government,
mga bisita at kliyente ng City Hall.
Mismong ang Quezon City Smoke-Free Task Force (QC-SFTF) ang kikilos ngayon
para seryosong ipatupad ang umiiral na Anti-Smoking Ordinance and RA 9211.
Maging ang mga nagtitinda ng yosi ay bawal na sa City Hall compound.
Ang QC-SFTF ay binubuo ng QC Health Department , Environmental Protection
and Waste Management Department , Market Development and Administration
Department , Department of Building Officials at Business Permit and
Licensing Office.