NO SMOKING | No Smoking Ban Mahigpit na Pinapatupad!

Mahigpit pa ring binabantayan ang City Ordinance No. 1971-2011 sa Dagupan City na nagsasaad ng pagbawal nang paninigarilyo sa pampublikong lugar. Kasabay ng pag iikot ng Task Force Disiplina para sa paglalagay ng mga signage sa Tondaliigan Beach Park na nagsasaad na “no smoking ban”, nagbigay rin sila nang ilang paalala sa mga turista at bakasyunista sa nasabing lugar.

“Para hindi makaperwisyo ng ibang tao, wag manigarilyo sa lugar katulad na lamang dito, lalo na’t patuloy na dumadagsa ang mga tao sa beach at syempre malaki ang epekto nito sa kalusugan kaya kailangan talaga naming tutukan.” Freddy Balolong, Task Force Disiplina Officer.

Maalalang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 26 pagbabawal na paninigarilyo sa pampublikong lugar katulad na lamang sa mga simbahan, kalsada, parke at sa pampublikong sasakyan. May kaukulang multa rin ang sino mang lalabag sa batas.


Ulat ni Mary Denise Paderon

Facebook Comments