Pansamantalang ipinagbabawal sa lungsod ng Dagupan ang pangingisda at ang pagligo sa mga katubigang sakop ng lungsod dahil sa nararanasang epekto ng Bagyong Crising.
Epektibo ito sa lahat ng coastal areas lalong lalo na sa mga baybayin ng Tondaligan, Bonuan Boquig, Binloc, Pantal at sa Pugaro.
Inabisuhan na rin ang mga mangingisda sa hindi muna pagpapalaot dahilan ang banta ng matataas na alon at ang malakas na hangin
Samantala, pinaalalahanan ang mga Dagupeños na maging alerto at handa sa posible pang epekto ng bagyo tulad ng pagbaha dahil sa inaasahang malakas na ulan hanggang ngayong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









