Mahigpit na ipapatupad sa Dagupan City partikular na sa Bonuan Tondaligan ang No Swimming Policy kaugnay sa pagtutok sa Bagyong Betty.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan City Disaster Risk Reduction Management Office Technical Working Group Head Ronald De Guzman, na ipinatupad ito upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga tao.
Nakausap na din aniya lahat ng mga Brgy. Councils’ ng lungsod kaugnay sa ibayong paghahanda sa posibleng maging epekto ng bagyo.
Nakahanda na din aniya ang mga Evacuation Centers sa lungsod kung kakailanganin.
Maliban sa No Swimming Policy ay mahigpit din ipagbabawal ang pagpapalaot ng mga mangingisda sa Dagupan City simula noong araw ng Sabado. |ifmnews
Facebook Comments