DAHIL SA HINUHULING KALAPATI, ESTUDYANTE SA BAYAN NG LAOAC KRITIKAL MATAPOS MAHULOG MUNA SA 4TH FLOOR

Nasa kritikal na kondisyon ngayon at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang sampung taong gulang na estudyante matapos itong mahulog mula sa 4th floor ng kanilang paaralan sa bayan ng Laoac.
Ang dahilan ng pagkahulog nito ay nang tangkain ng biktima na habulin at huliin ang isang kalapati mula sa bubong ng kanilang paaralan.
Sa imbestigasyon ng PNP nagsabi pa umano ang bata sa kanyang ama na hindi papasok sa kanyang panghapong klase.

Subalit lingid sa kaalaman ng kanyang kaanak ay pumunta ito ng eskwelahan para maglaro at huliin ang isang kalapati.
Hinabol umano ng bata ang kalapati hanggang sa ikaapat na palapag at tumuntong sa gobeda ng banyo ng nasabing palapag.
Sa kasamaang palad ay bumigay ang gobeda dahilan para mahulog ang biktima mula 4th floor hanggang sa ground floor.
Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan. |ifmnews
Facebook Comments