NO TAKE POLICY o pag-babawal sa pagtanggap ng pera ng mga pulis mula sa mga operator ng iligal na sugal at mga drug dealers mahigpit na utos ng bagong PNP Chief

121

Mahigpit ang utos ng bagong talagang PNP Chief na si General Archie Francisco Gamboa sa lahat ng mga pulis na pairalin ang No Take Policy.

Ito ay ang pagbabawal sa pagtanggap ng anumang bagay o cash mula sa mga operators ng iligal na sugal, drug dealers.


Maging ang pangongotong sa kahit sino o anumang grupo.

Sinabi pa ni Gamboa, sa kanyang panunungkulan nais nyang maibalik ang proper decorum sa PNP kung saan lahat ng pulis ay dapat magpakita ng respeto.

Maging ang pagpapatupad ng tamang bihis ay nais ni Gamboa na mahipgpit na maipatupad.

Giit ni Gamboa na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili kaya para sa kanya hindi sila makakapagpagtupad ng batas kung sila mismo ay lumalabag sa batas.

Facebook Comments