Kaugnay ng vlog post ni Yeng Constantino kung saan ibinahagi niya ang ‘tramautic’ na karanasan kasama ang asawa na si Yan Asuncion sa isang ospital sa Siargao, nag-trending ang #NoToDoctorShaming sa Twitter.
Ipinahayag ng mga netizen ang hindi tama na pagtawag nito sa isang doktor na nagkulang sa pag-aasikaso kay Yan.
Dagdag ng netizens, hindi kailangang sisihin ang mga doktor sa kakulangan ng equipment sa isang ospital lalo na kapag nasa liblib na lugar o probinsya ito. Dapat sisihin ang gobyerno sa pagkukulang nito.
I hope that doctor sues Yeng Constantino. Rant all you want girl but never blame the medical personnel with the lack of hospital equipment. Trabaho ‘yan ng government, hindi ng mga employees.
And btw, it’s *equipment NOT equipments 🙄🙄🙄
— Agnes Amor (@agsssh) July 19, 2019
Ani ng netizens, nilalabag ni Yeng ang Doctor-Shaming Law at striktong ipinagbabawal din ang pagkuha ng litrato o video sa loob ng ospital.
Nakasaad ito sa Republic Act 10175, Using of Cellphones and Video Recorders.
“Sharing of Photos/videos of any staff or patient inside the hospital via social media is strictly prohibited. Hospital staff shaming can be filed as Cyber Libel. Offenders can be penalized with a minimum of 6 years imprisonment.”
Ayon kay Angela (@trangeladv_), sinira ni Yeng ang pangalan ng doktor pati ang reputasyon nito. Kabilang ang pangalan at reputasyon ng ospital. Pati na rin ang turismo ng Siargao at hindi rin siya nagpaalam o humingi ng consent upang ibahagi sa vlog ang mga mukha ng nasa kaniyang vlog.
woah i hope yeng constantino gets sued for the ff:
1. Ruining the doctor’s name and reputation.
2. Ruining the reputation and name of the hospital.
3. Ruining Siargao’s tourism.
4. not asking for consent to post/vlog the faces of the healthcare team#NoToDoctorShaming— angela (@trangeladv_) July 21, 2019
Pinagtanggol din ng mga netizen ang ginawa ng doktor na nasa vlog ni Yeng. Ani nila, tama lang daw ang pagiging kalmado nito sa mga ganoong sitwasyon.
Dear @YengPLUGGEDin 🙂 #YengConstantino #YengVlogs pic.twitter.com/C2MSVRjA1o
— — (@raaaantingggggg) July 21, 2019
Yeng constantino I hope you can read this 😒 pic.twitter.com/8pnAQQIn5S
— Jhe (@jhetweets) July 20, 2019
Dagdag pa ng isang Pinoy na doktor sa Australia, naging overreacted lamang si Yeng.
(C) pic.twitter.com/kgWjQPHtcl
— ASDFGHJKL 🌈 (@RenRenGoAway26) July 21, 2019