Ito ay makaraang aprubahan kamakailan ng Provincial COVID-19 Task Group sa ginanap na pulong.
Ayon kay Governor Carlos Padilla, layunin nito na maprotektahan ang bawat isa laban sa COVID-19 Omicron variant.
Sakop rin ng kautusan ang mga National Government Agencies (NGAs) na nasa loob ng provincial capitol upang makiisa sa pagpapanatili sa kaligtasan ng bawat isa kontra COVID-19.
Kaugnay nito, hinimok rin ang iba pang mga tanggapan at establisyimento sa lalawigan na magpatupad ng ‘No Vax No Entry’ para sa makaiwas sa posibleng pagkahawa sa sakit.
Sa pinakahuling datos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) batay sa January 10 report nito, umabot na sa 288 ang bilang ng mga mamamayan sa lalawigan na positibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Edwin Galapon, IPHO Chief, 46 dito ay mga kawani ng 14 na departamento ng provincial government.
Isinailalim naman sa 5-day lockdown ang buong kapitolyo dahil pa rin sa tumataas na kaso ng COVID-19.