450 pang PNP personnel nagpositibo sa COVID-19

45

Sumasabay sa pagdami ng mga na tinatamaan ng COVID 19 ang dami rin ng mga Pulis na nagpopositibo Coronavirus.

Ito ay makaraang umakyat sa 3, 262 ang bilang ng mga Active Cases sa ngayon.

Batay pa sa record ng Philippine National Police (PNP) Health Service, may naitalang 450 na new cases hanggang kaninang hatinggabi.


Dahil dito ay halos punuan na ang mga Quarantine Facilities sa loob ng Kampo Crame.

Ayon naman kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na nagpositibo din sa COVID-19 mga mild lamang ang nararamdaman na Sintomas ng mga pulis.

Dahil halos lahat naman na ng mga tauhan ng pulisya ay nabakunahan na at ang iba ay may booster shots pa.



Sa kabila nito ay tiniyak ni Gen Carlos na hindi maapektuhan ang serbisyo ng mga tauhan ng pulisya.

Ito ay sa harap na rin nang kabi-kabilaang mga COMELEC Checkpoint na kanilang isinasagawa.


Facebook Comments