“No vaccine, no ride” policy, ipatutupad na rin ng mga LGU sa labas ng NCR

Magpapalabas ng executive order ang mga local government unit (LGU) sa labas ng Metro Manila para sa implementasyon ng “no vaccination, no ride” policy sa kani-kanilang lugar.

Ayon kay Quirino Governor Dakila Cua, presidente ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), sa kabila ng mga kritisismo ng mga driver sa polisiya ng Department of Transportation (DOTr) ay magpapalabas sila ng kanilang bersyon ng “no vax, no ride” policy.

Aniya, maglalagay sila ng ilang pagbabago para mas maging malinaw ang pagpapatupad ng polisiya.


Pabor din aniya siya sa paghihigpit sa galaw ng mga hindi bakunado para mapabagal ang pagkalat ng virus.

Samantala, bukas na sisimulang ipatupad ang “no vax, no ride” policy sa Metro Manila kung saan hindi pasasakayin sa mga pampublikong transportasyon ang mga indibidwal na hindi bakunado kontra COVID-19.

Tutol dito ang ilang PUV drivers dahil mas lalo anilang liliit ang kanilang kita.

Facebook Comments