Suportado ng Alliance of United Transport Organization Province-wide o AUTOPRO Pangasinan ang No Vax, No Ride Policy.
Ayon kay Bernard Tuliao, ang presidente ng AUTOPRO Pangasinan, bago pa man magkaroon ng naturang polisiya na-anticipate na nila ito at pinaghahandaan ang naturang polisiya.
Ilan sa mga magiging hamon aniya ng mga PUJ drivers sa probinsiya ay ang pagchecheck ng mga vaccination card ng mga commuters.
Kung sa mga terminals aniya, mabilis na machecheck ang vaccine card ngunit ang mga commuters na maisasakay sa daan ay ang malaking hamon.
Dahil dito, hiningi ni Tuliao ang tulong ng mga law enforcers at ilan pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa pagsisiguradong bakunado ang indibidwal na sasakay.
Samantala, nasa 95% na ng mga PUJ drivers sa probinsiya ang bakunado at hinihikayat nito ang natitirang 5% upang hindi maging carrier ng virus. | ifmnews
Facebook Comments