Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mas mainam na hindi lamang sa ilang piling lugar sa bansa ipatutupad ang “No Bakuna, No Labas” Policy.
Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni Concepcion na natutuwa siya at nagkaroon ng ngipin ang polisiya ng gobyerno para maprotektahan ang mga hindi bakunado.
Ganunpaman, mas maganda sanang ipatupad na ito sa buong bansa, hindi upang ma-discriminate o pagkaitan ng karapatan ang mga unvaccinated kundi dahil sa nais lamang silang protektahan ng estado.
Napatunayan kasing mas matindi ang tama o epekto ng COVID-19 sa mga hindi bakunado.
Ani Concepcion, hindi kakayanin ng granular lockdown kapag muling napuno ang mga ospital kaya’t mas mabuting limitahan ang kilos ng mga unvaccinated individual.