5 pang kawani ng PPA, nagpositibo sa COVID-19

33

5 pang kawani ng PPA, nagpositibo sa COVID-19

Umaabot na sa kabuuang 45 na mga kawani ng Philippine Ports Authority (PPA) ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago na ang mga infected na kawani ay naka-isolate na at ongoing ang kanilang contact tracing sa mga close contact.


Aniya, ang mga ito ay asymptomatic naman, makalipas ang 5 araw ay muli silang isasailalim sa antigen test at kapag positibo ay isasalang sa confirmatory RT-PCR test.

Kasunod nito, sinabi ni Santiago na hindi naman lubos na apektado ang kanilang operasyon.

Ni-recall na nila ang kanilang mga tauhan upang rumelyebo sa mga positibo sa virus.



Ani Santiago, naka-work from home ang mga asymptomatic na kawani nang sa ganon ay hindi maabala ang kanilang operasyon.

Facebook Comments