No walk-in policy, ipapatupad sa libreng swab test na Caloocan LGU

65

Nagkakaloob ng libreng COVID-19 swab test ang lokal na pamahalaan ng Caloocan para sa mga nakararanas ng sintomas o nagkaroon ng exposure sa nagpositibo sa COVID-19.

Pero paalala ng Caloocan Local Government Unit (LGU), ipapatupad ang no walk-in policy sa libreng swab test.

Dahil dito ay dapat makipag-ugnayan muna sa barangay health center para makapagpa-schedule sa libreng swab testing ng pamahalaang lungsod.


Kailangan ding magpresenta ng valid ID, PhilHealth kung mayroon at sariling ballpen.

Muli, binigyang-diin ng Caloocan LGU na mahalaga na ma-test agad upang ma-isolate kaagad ang mga positibo sa sakit at mabigyan ng kinakailangang atensyong medikal.

Facebook Comments