Nagpalala ang Las Piñas City Government na patuloy ang kanilang mahigpit na pagpatutupad ng “no walk-in policy” para na rin hindi magkagulo at makontrol ang dami ng mga taong dadagsa sa vaccination sites.
Ayon kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, dapat panatilihin ng mga residente ang pagsunod sa health and safety protocols at kinakailangan na magparehistro at magpabakuna ang mga residente upang maproteksyunan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19.
Matatandaan na umarangkada kahapon sa mahigit 10 vaccination sites sa lungsod ang bakunahan laban sa COVID-19 sa hanay ng A4 category o economic frontliners kasabay ng mga kasama sa A1, A2, at A3.
Sinabi pa Aguilar na may bagong bukas na vaccination site ang lungsod na tinawag na “The Tent” na matatagpuan sa C5 Extension kung saan may kakayahan itong mag-accommodate ng 800 hanggang 1,000 indibidwal kada araw.