Iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na wala dapat iniaalok na anumang premium para sa reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) test para sa COVID-19 sa mga pribadong laboratoryo.
Paliwanag ni Nograles, magreresulta lamang ito ng pagsingit ng mga tao sa pila.
Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay nakikipag-coordinate sa mga pribadong laboratoryo para pabilisin ang paglalabas ng resulta ng RT-PCR tests.
Hindi sang-ayon si Nograles na may ilang ospital at laboratoryo na nag-aalok ng premium services para sa RT-PCR tests.
Matatandaang nagtakda ang pamahalaan ng price cap para sa COVID-19 test sa private hubs sa ₱4,500 hanggang ₱5,000 habang nasa ₱3,800 para sa public testing centers.
Facebook Comments