Nagpaalala si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga Pilipinong bibiyahe abroad na alamin ang coronavirus testing protocol ng bansang kanilang pupuntahan at sumunod sa itinakda nilang health requirements.
Matatandaang inalis na ng pamahalaan ang antigen testing requirement para sa mga outbound Filipino travelers.
Ayon kay Nograles, kung requirement pa rin sa country of destination ang RT-PCR test ay kailangan pa rin itong sundin.
Paliwanag pa ni Nograles, hindi na nire-require ang antigen testing dahil wala nang naghanda na ipatupad ang ganitong uri ng test.
Nabatid na nagsagawa ng pilot study ng antigen testing sa Baguio City kung saan dine-detect nito ang viral proteins mula sa swab sample.
Facebook Comments