Manila, Philippines – Inendorso na ng House Committee On Public Order and Safety ang House Bill 1035 o panukalang batas na nagbabawal ng karaoke at anumang videoke systems sa mga residential areas.
Ayon sa may-akda ng panukala na si Quezon Rep. Angelina Tan – layunin nitong matugunan ang noise pollution at maiwasan ang anumang pangingistorbo dala ng mga sound amplifying equipment.
Ani Tan, ang ingay ay nagdudulot ng hirap sa pag-uusap, inuudlot ang tulog at nagbibigay ng negatibong epekto sa ilang trabaho.
Nagiging source ng stress ang ingay, na nauuwi sa high blood pressure at iba pang problema sa puso at nervous disorders.
Nakasaad sa batas, papayagang magpatugtog ng maingay gamit ang ilang devices tulad ng: radyo; CD player; TV; amplified musical instrument; loudspeaker; videoke o karaoke system mula alas-8 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
Ang mga lalabag ay posibleng makulong ng hanggang anim na buwan at may multang 1,000 pesos.