North Korea – Muling nagpakawala ng 3 short-ranged ballistic missiles ang North Korea isang linggo matapos purihin ni US Secretary of State Rex Tillerson ang bansa dahil sa pagsunod nito sa hindi muna paggamit ng weapon program.
Ayon sa US pacific command, sinabayan pa nito ang pagsasagawa ng military exercises ng Estados Unidos at South Korea.
Pinakawalan ang mga missiles sa Kangwon province kung saan pumalya ang una at ikatlong missile.
Habang nagkapira-piraso naman ang ikalawa matapos paliparin sa himpapawid.
Tiniyak naman ng US military na hindi maituturing na banta sa seguridad ng North America o maging sa Guam ang ginawa ng Pyongyang.
Samantala, ayon kay Japanese Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, hindi rin direktang makakaapekto sa seguridad ng Japan ang ginawang missile launch ng North Korea dahil hindi ito umabot sa territorial waters at exclusive economic zone ng bansa.