Pinaghihinay-hinay ng South Korea ang Pyongyang sa paglikha ng mas matinding probokasyon kaugnay ng umano’y planong paglulunsad nito ng panibagong nuclear test sa mga susunod na araw.
Ayon kay South Korean Acting President Hwang Kyo-Ahn — inatasan na niya ang militar na palakasin ang monitoring sa aktibidad ng NoKor.
Sa araw ng sabado, magkakaroon ng military parade sa North Korea bilang paggunita sa ika-105 na anibersaryo ng kapanganakan ng lolo ni Kim Jong Un na si Kim Il Sung, ang founding father ng naturang bansa.
Sa nasabing petsa rin inaasahan ang muling pagpapakawala ng intercontinental ballistic missile ng komunistang bansa.
Nation”
Facebook Comments