NOLCOM, Nakahanda na sa Paparating na Bagyong Mangkhut!

*Cauayan City, Isabela-* Nakahanda na ngayon ang tropa ng Northern Command (NOLCOM) Philippine Army hinggil sa paparating na bagyong Mangkhut o Ompong na inaasahang tatama sa buong bahagi ng Northern Luzon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Major Erickson Bulosan, ang tagapagsalita ng AFP Northern Command (NOLCOM) Philippine Army sa Tarlac, maigting na umano ang kanilang preparasyon sa paparating na bagyong Mangkhut at nakaalerto na rin umano ang kanilang unit maging ang mga Joint Task Force at tropa ng 5th Infantry Division ay nakakalat na sa ibat-ibang parte ng probinsya na maaaring salantain ng nasabing bagyo.

Dagdag pa niya, Handa na rin umano ang kanilang mga gamit sa pagresponde sa sandaling papasok ang bagyo sa bansa.


Kanila na rin umanong tiniyak na laging nakahanda ang kanilang pwersa sa anumang sakuna upang hindi mailagay sa panganib ang mga mamamayan.

Panawagan naman ni Major Ericson Bulosan na makiisa na lamang umano sa mga kasundaluhan at huwag umanong ipagsawalang bahala ang kanilang mga payo lalo na kung kinakailangang lumikas sa mga evacuation center.

Facebook Comments