Nominasyon ni Secretary Roque sa International Law Commission, tinutulan ng ilang personalidad

Tinutulan ng ilang grupo at personalidad ang nominasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa International Law Commission (ILC).

Ayon sa Concerned Online Citizens sa United Nations, mas kwalipikado pa sa nominasyon ang 65 na abogadong napatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga abogadong ito ang lumalaban para sa human rights, public interest law, international humanitarian law at international law na higit na may alam kaysa kay Roque.


Inilarawan din nila si Roque bilang “avowed and unapologetic defender” ng nangyayaring extrajudicial killings sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Maituturing din na ‘cheerleader’ ni Pangulong Duterte ang kalihim dahil sa pagsuporta nito sa pagkalas ng bansa sa International Criminal Court (ICC) para makaiwasan sa imbestigasyon sa umano’y madugong giyera kontra droga.

Nabatid na isa si Roque sa 11 indibidwal na nominado para sa maging bahagi ng ILC at magsilbi ng hindi bababa sa 5 taon.

Facebook Comments