
Binuksan na ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang nominasyon para sa Gawad Sandaang Pulo, isang parangal na ilalaan sa mga indibidwal at sektor na may naiambag sa pag-unlad ng lungsod.
Maaaring magsumite ng nominasyon ang publiko sa alinmang itinakdang kategorya, kung saan tig-iisang gawad ang ipagkakaloob.
Ayon sa abiso, kinakailangang sagutan ang Nomination Form na maaaring i-download sa pamamagitan ng QR code at isumite sa City Information Office sa ikalawang palapag ng Alaminos City Hall, o ipadala sa opisyal na email address ng lungsod.
Ang pagbubukas ng nominasyon ay inanunsyo kasabay ng isang flag raising ceremony na isinagawa sa Plaza Marcelo Ochave, kung saan ipinakilala rin ang Gawad Sandaang Pulo bilang bahagi ng mga aktibidad ng Hundred Islands Festival. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










